VP Duterte – no comment kaugnay sa paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas

Mas pipiliin ni Vice President Sara Duterte na pagtuunan ng pansin ang mga development projects sa Mindanao, kaysa magkomento sa panukalang paghihiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa Bise Presidente, no comment siya pagdating sa pulitika dahil maaring iba-iba ang opinyon ng bawat indibidwal pagdating sa ganitong usapin.

Ngunit pinangako nitong nakatutok siya sa mga proyekto sa rehiyon, lalo na’t pormal na iprinisinta ni Pangulong Bongbong Marcos sa Davao City ang transport modernization at iba pang developmenT projects.

Nabatid na nanawagan ang kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa paghiwalay ng Mindanao, kasunod ng pagsalungat niya na amyendahan ang Konstitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *