VP-elect Duterte, wala pa ring nakatakdang schedule na maka-meeting si VP Robredo

Dalawang araw bago pormal na umupo si Vice President-elect Sara Duterte – wala pa rin itong naka-schedule na meeting kasama ang outgoing VP na si Leni Robredo.

Ayon sa tagapagsalita ni Duterte na si Atty. Reynold Munsayac, wala pa ring itinakdang personal meeting sina Duterte at Robredo.

Ito ay kahit na una nang tiniyak ng dalawang kampo na magkakaroon sila ng maayos na transition of office and power.

Sa kabila nito, nakatakda namang makipagpulong si Duterte sa iba pang mga former vice presidents.

Ito umano ay para talakayin ang pina-planong ‘museum’ para sa lahat ng mga naging vice presidents.

Una nang inimbitahan ni Robredo si Duterte sa general assemble ng OVP ngunit hindi ito dumalo dahil pumunta naman ito sa oath-taking ng kanyang kapatid na si Mayor-elect Baste Duterte.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *