VP Leni, nagboluntaryo umano na makasama ang Pangulo sa vaccine ad – Roque

Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Cabinet meeting kagabi na nag-volunteer umano si Vice President Leni Robredo na makasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang infomercial para himukin ang mga Pilipino na magpabakuna kontra COVID-19.

Wala pang opisyal na pahayag ang Bise Presidente kaugnay sa sinabi ni Roque, ngunit si Senator Joel Villanueva ang nagmungkahi na magsama sa isang public service announcement ang Pangulo at Bise Presidente bilang pangontra sa mga fake news at para pataasin ang kumpyansa ng publiko sa vaccination.

Sinabi ni Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte na biglang nag-volunteer si Robredo nang makita nito na maraming tao ang nagpapabakuna sa kabila ng paninira umano ng Pangalawang Pangulo sa vaccination drive ng gobyerno.

Hindi naman nagbigay ng tugon ang Pangulo sa sinabi ni Roque.

Mababatid na sinuportahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang nasabing ideya dahil wala naman anya dapat pinupulitika sa kalusugan at bakuna.

Matatandaan na sinabi ng tagapagsalita ng Pangalawang Pangulo na si Barry Guttierez noong May 21 na bukas si Robredo sa lahat ng suhestyon na magpapalakas sa kumpyansa ng publiko sa mga bakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *