VP Robredo, nakipagpulong sa mga doktor at opisyal ng mga ospital sa Naga City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

NAGA CITY—Nakipagpulong nitong nakaraang araw sa mga Doktor at opisyal ng mga ospital sa Naga City si Vice President Leni Robredo upang pag-usapan ang nakakabahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at lalawigan ng Camarines Sur.

Kabilang din sa napag-usapan ang mga hakbang na maaaring gawin para matulungan na ma-decongest ang mga pagamutan na halos full capacity na dahil sa dami ng mga pasyenteng tinamaan ng sakit.

Kaugnay nito, napagkasunduan na gawing provincewide ang Bayanihan E-Ataman program ng Office of the Vice President na ang layunin ay mabigyan ng COVID care kits ang lahat ng mga pasyenteng naka-home quarantine.

Inirekomenda rin sa pagpupulong na payagan ang mga pasyenteng may COVID-19 na manatili sa loob ng bahay sa kondisyon na dapat mayroon silang sariling kwarto at comfort room.

Kailangan din mayroong sariling isolation facilities ang mga LGU para sa mga covid-positive patient na asymptomatic o kaya naman mga may mild symptoms. Dapat din anila’y mayroong sapat na supply ng oxygen ang mga Lokal na Pamahalaan upang sa ganun kahit nasa bahay ang pasyente ay matutugunan parin ang mga pangangailangang medikal ng mga ito nang hindi kinakailangang dalhin sa ospital pwera na lang kung severe case at inirekomenda ng monitoring Doctor mula sa RHU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *