Local News

VP Robredo, nakipagpulong sa mga doktor at opisyal ng mga ospital sa Naga City dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

NAGA CITY—Nakipagpulong nitong nakaraang araw sa mga Doktor at opisyal ng mga ospital sa Naga City si Vice President Leni Robredo upang pag-usapan ang nakakabahalang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at lalawigan ng Camarines Sur.

Kabilang din sa napag-usapan ang mga hakbang na maaaring gawin para matulungan na ma-decongest ang mga pagamutan na halos full capacity na dahil sa dami ng mga pasyenteng tinamaan ng sakit.

Kaugnay nito, napagkasunduan na gawing provincewide ang Bayanihan E-Ataman program ng Office of the Vice President na ang layunin ay mabigyan ng COVID care kits ang lahat ng mga pasyenteng naka-home quarantine.

Inirekomenda rin sa pagpupulong na payagan ang mga pasyenteng may COVID-19 na manatili sa loob ng bahay sa kondisyon na dapat mayroon silang sariling kwarto at comfort room.

Kailangan din mayroong sariling isolation facilities ang mga LGU para sa mga covid-positive patient na asymptomatic o kaya naman mga may mild symptoms. Dapat din anila’y mayroong sapat na supply ng oxygen ang mga Lokal na Pamahalaan upang sa ganun kahit nasa bahay ang pasyente ay matutugunan parin ang mga pangangailangang medikal ng mga ito nang hindi kinakailangang dalhin sa ospital pwera na lang kung severe case at inirekomenda ng monitoring Doctor mula sa RHU.

BNFM Naga

Recent Posts

Pilipino, sugatan sa Hong Kong dahil sa malakas na ulan

Stable na ang kundisyon ng dalawang mga overseas Filipinos na nasugatan dahil sa mga pag-ulan…

3 mins ago

Labi ng isang Pinay na namatay sa baha sa UAE, naiuwi na sa kanyang pamilya

Dumating na sa Tuguegarao Domestic Airport ang labi ni Marjorie Saquing-Ancheta, isang overseas Filipino worker…

12 mins ago

Mga alagang hayop, nanganganib sa tindi ng init ng panahon

Nanganganib ang mga alagang hayop, livestock, at mga zoo animals sa nararanasang init ng panahon…

45 mins ago

Bagong Subic Municipal Park, Binuksan na

Binuksan na ng Lokal na Pamahalaan ang bagong Subic Municipal Park. Ito ay magsisilbing pasyalan…

1 hour ago

Mainit na panahon hindi problema sa ilang magsasaka; La Niña, pinaghahandaan

NAGA CITY - Hindi naging problema sa ilang magsasaka sa Naga City ang matinding init…

1 hour ago

Ilang Barangay sa Olongapo, maapektuhan ng suplay ng Tubig

Maapektuhan ng suplay ng tubig ang ilang Barangay sa Lungsod ng Olongapo City. Ito ay…

2 hours ago