National

VP spox sa gov’t: Itigil ang pagkukumpara ng COVID response sa India

Pinayuhan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang gobyerno na itigil ang pagkukumpara sa kanilang COVID-19 response mula sa ibang bansa na hindi umano umaaksyon ng mabuti.

Partikular na tinukoy ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ang pagkukumpara ng bansa sa COVID-19 situation sa India, na ang populasyon ay mahigit isang bilyon.

Sa halip, hinimok ni Gutierrez ang pamahalaan na tingnan ang best practices ng kanilang Asian neighbors.

Mababatid na ang India ay nagtala ng world’s sharpest spike sa coronavirus infections ngayong buwan, kung saan ang political at financial capitals na New Delhi at Mumbai ay nagkukulang na ng mga hospital beds, oxygen, at medicines.

Noong nakaraang linggo naman nang sabihin ni Health Secretary Francisco Duque III na may malaking posibilidad na matulad ang Pilipinas sa nangyayari ngayon sa India, kung hindi susundin ng publiko ang minimum health protocols.

BNFM National

Recent Posts

Pag-implimenta ng alternative delivery modalities sa Region 2, pina-igting

Pinaigting ng Department of Education Region 2 ang implementasyon ng Alternative Delivery Modalities o ADM…

3 mins ago

P270-M na halaga ng shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng isang linggo

Nakakumpiska ng PhP270,203,352.00 na halaga ng iligal na droga at naka-aresto ng anim na indibidwal…

4 mins ago

Oil price rollback – kasado na bukas

GOOD NEWS SA MGA MOTORISTA! Simula bukas ay lalarga na ang bagong round ng bawas-presyo…

5 mins ago

Motorsiklo bumangga sa concrete barrier, 2-patay

Patay ang isang guro at kamag-anak nito habang sugatan ang isa pa matapos bumangga ang…

7 mins ago

PBBM, handang i-certify as urgent ang pag-amyenda sa Rice Tarrification Law

Handa si Pangulong Bongbong Marcos na sertipikahang “urgent” ang panukalang pag amyenda sa Rice Tarrification…

8 mins ago

COMELEC: walang gagawing paglabag sakaling ituloy ang pagbabawal sa palit-kandidato sa halalan

Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na dapat nang ipagbawal ang palit-kandidato system sa eleksyon.…

13 mins ago