Wage hike para sa mga OFWs sa Taiwan at Hong Kong, epektibo na sa January 1, 2024

Inaasahang makikinabang ang libo-libong mga Overseas Filipino workers (OFWs) sa inaprubahang taas-sahod sa minimum wage sa Taiwan at Hong Kong.

Ayon sa DMW, ipinag-utos ng Taiwan Ministry of Labor (MOL) ang 4.05% na increase sa buwanang sahod simula sa unang araw ng 2024.

Ibig sabihin, aabot na sa P48, 223 ang dating P46,378 ang salary na matatanggap ng OFWs sa naturang bansa.

Batay sa datos ng ahensya, as of October ay 151,562 ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Taiwan.

Mula rito, 123,768 ang nasa manufacturing sector at inaasahang makikinabang wage hike.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *