Wallet na nahulog sa karagatan, muling natagpuan ng may-ari makalipas ang ilang buwan

Naniniwala ka ba na angh mga bagay  na nawala na ay na kusang bumabalik makalipas ang matagal na panahon?

Isang wallet ang nahulog sa dagat na pagmamay-ari ng isang british na si Marcie Callawaert, isang trail guide and educator sa cedar coast art and ecology centre na miyembro rin coastal nations coast guard auxiliary.

Ayon kay Marcie ay nahulog ang kanyang wallet sa dagat na may lalim ng 20 talampakan habang sakay ng isang bangka noong June 2023.

Sa pagbabakasakaling mahanap pa ang wallet ay sinisid ito ng isang diver subalit sa kasamaang palad ay hindi na ito nakita.

Nitong Pebrero 15, 2024, habang binabaybay niya at ng kanyang alagang aso ang isang remote british columbia beach, laking gulat niya ng makita ang isang bagay sa mga basurang na halos 8 buwan niya nang naiwala.

Ito ang kanyang lumang wallet na halos walang sira maliban sa kinalawang na zipper. At ang mas ikinatuwa niya ay naroroon pa rin ang kanyang pera, bank cards, mga lisensiya at id.

Ang kanyang karanasan ay ibinahagi niya sa isang social media platform, at ito’y umani ng samu’t-saring reaksiyon at komento.

Kagaya ng isang biro,  mga sirena raw ang nagbalik kay Marcie ng kanyang wallet kaya iwanan niya raw ito ng regalo. ### MITZI LOMERIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *