Local News

Wanted ng Balatan Police, tiklo sa Sorsogon

Arestado ang 47-anyos na binata makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Naaresto ng tracker team ng Balatan MPS sa Brgy Sabang ng nasabing bayan ang kanilang rank No. 2 most wanted person na si Segundo Adigue Manangat, alias Gudoy, mangingisda at naninirahan sa Zone 5, Brgy Duran, Balatan, Camarines Sur.

Si Manangat ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court 5th Judicial Region Br 7, Iriga City at may ibinabang piyansa na P200K.

Ang akusado ay ibinalik at nakapiit na sa Balatan MPS.

BNFM Sorsogon

Recent Posts

Boy Scouts of America, babaguhin na ang pangalan matapos ang mahigit isang daang taon

Matapos ang 114 na taon, babaguhin na ng Boy Scouts of America ang pangalan nito…

29 mins ago

39-anyos na lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa kaniyang anak

Inaresto ng  National Bureau of Investigation's (NBI) Violence Against Women and Children Division ang isang…

40 mins ago

1, 450 slots inilaan sa Camarines Norte para sa August 2024 Career service examinations

CAMARINES NORTE - Aabot sa 1, 450 slots ang inilaan ng Civil Service Commission para…

42 mins ago

SSS muling maghahain ng notice of violation sa ilang employer sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE - Ipagpapatuloy ng Social Security System ang paghahabol sa mga delinquent employer sa…

44 mins ago

Isang lalake sa Amerika tumawag sa 911 para magpabati ng Happy Birthday

Kakaibang 911 emergency call ang ginawa ng isang lalake sa Boston sa Amerika. Tumawag lang…

45 mins ago

Ilang islang Barangay ng Camarines Norte tinungo ng PSA para sa PhilSys registration

Tinungo ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang ilang islang Barangay sa Camarines Norte para sa…

48 mins ago