Wanted ng Balatan Police, tiklo sa Sorsogon

Arestado ang 47-anyos na binata makaraang hainan ito ng kanyang warrant of arrest sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Naaresto ng tracker team ng Balatan MPS sa Brgy Sabang ng nasabing bayan ang kanilang rank No. 2 most wanted person na si Segundo Adigue Manangat, alias Gudoy, mangingisda at naninirahan sa Zone 5, Brgy Duran, Balatan, Camarines Sur.

Si Manangat ay nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng Family Court 5th Judicial Region Br 7, Iriga City at may ibinabang piyansa na P200K.

Ang akusado ay ibinalik at nakapiit na sa Balatan MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *