Wanted person mula sa bayan ng Capalonga na may kasong rape arestado sa Cavite

CAMARINES NORTE – Arestado ang isa sa Municipal Most Wanted Person ng Capalonga, Camarines Norte sa Barangay San Agustin, Trece Martires, Cavite, Miyerkules ng hapon.

Sa report ng Camarines Norte Police Provincial Office, kinilala ang akusado na si Eduardo Florendo Jr. y Cahan 22, binata, negosyante at kasalukuyang nakatira sa Barangay De Ocampo, Trece Martires, Cavite.

Ginawa ang pag aresto kay Florendo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 64 sa bayan ng Labo dahil sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o anti Child Abuse Law noon pang June 2015.

Nagrekomenda ang hukuman ng halagang P200, 000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na nasa kustodiya ng Capalonga Municipal Police Station.

Si Florendo ay ikawalo sa Municipal Most Wanted Person ng Capalonga na naaresto dahil sa pinaigting na kampanya ng PNP upang madakip ang mga taong pinaghahanap ng batas sa pamamagitan ng Enhanced Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operations (E- SACLEO).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *