Wanted poster ng FBI vs Quiboloy, walang kinalaman sa pulitika – US Embassy

Pinabulaanan ng US Embassy na may kinalaman sa Eleksyon 2022 ang paglabas ng Federal Bureau of Investigation ng “Most Wanted” poster para kay Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa isang pahayag sinabi ng embahada na ang pagpapalabas ng FBI ng wanted poster para kay Quiboloy ay bahagi ng maraming taon na pagsisikap ng pagpapatupad ng batas.

Nilinaw ng embassy na walang kaugnayan ang wanted poster sa nagpapatuloy na kampanya sa halalan sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Una nang sinabi ng FBI na si Quiboloy ay pinaghahanap dahil sa kanyang diumano’y pakikilahok sa isang labor trafficking scheme na nagdala ng mga miyembro ng simbahan sa Estados Unidos, sa pamamagitan ng pekeng visa, at pinilit ang mga miyembro na humingi ng mga donasyon para sa isang bogus charity works.

Maliban kay Quiboloy at pinaghahanap din ng FBI ang dalawa pang miyembro ng KJC na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *