Wanted rapist sa Sorsogon arestado sa Quezon

SORSOGON CITY – Arestado ang No. 1 Most Wanted Person makaraang masakote ng mg operatiba ng Gubat Police katuwang ang Sorsogon City Police at Quezon Police Prov’l Office sa Brgy 5 Quezon sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa ulat, timbopg ang wanted person na si Marlon Ante Jeron, 35-anyos, may asawa, mangingisda at residente ng Brgy Abuyog, Sorsogon City sa kasong rape sa inihaing warrant of arrest na inisyu ng RTC Br 54 na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakapiit na sa detention facility ng Gubat Municipal Police Station ang akusado.

Matagumpay na operasyon at masigasig na pagtugis laban sa mga most wanted person ang muling ipinamalas ng ating Pulis Kasanggayahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *