Wanted sa ‘rape-slay’ sa isang guro sa Bulusan, Sorsogon na pitong taong nagtago, nahuli sa Nueva Ecija

SORSOGON CITY – Nahuli na ang 38-anyos na construction worker na matagal nang wanted sa batas dahil sa panghahalay at pagpatay sa isang guro pitong taon na ang nakalilipas sa bayan ng Bulusan , Sorsogon.

Sa ikinasang SACLEO ( Simulatneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations) ng Gubat Police sa pangunguna ng hepe nito na si PMaj Jose Arnel Geronga at Gen Tinio Police, nahuli si Benny Arespi Samaupan, alias Dagohoy/Darwin sa Brgy Poblacion Central, General Tinio ng nasabing lalawigan.

Ayon  sa ulat, ang akusado ay nagkaroon na ng kinakasama sa nasabing lugar sa Brgy Las Pinas, Penaranda ng nasabing probinsya. Ito ay isang skilled worker kung kaya’t natanggap sa isang construction company.

Sa impormasyon na nakalap ng Brigada News, isang personahe ng Gubat Police na residente ng Bulusan ang nakatanggap ng impormasyon sa kinaroroonan ng nasabing wanted person, kung kaya’t naging lead unit ang Gubat Police.

Sa pahayag sa Brigada News ni PMaj Geronga, ituturn-over din nila si Samaupan sa Bulusan Police pagdating ng Sorsogon.

Halos pitong taon na ang nakalilipas nang matagpuan ang bangkay ng 22-anyos na guro na si Roda Fortes sa mabatong tuyong ilog, 10 metro ang layo sa kanilang bahay sa Sitio Capiricohan, Brgy San Isidro ng nasabing bayan.

Ang sinapit noon ng guro ay kinondena hindi lamang ng akademya kundi maging ang buong mamamayan ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *