Warrantless arrest vs. brgy. captains na mahuhuli sa gitna ng mass gatherings, pwede – Palasyo

Pwede umanong isagawa ang warrantless arrest laban sa barangay captains na mahuhuli sa gitna ng mass gathering pero walang ginawa para mapigilan ang paglabag sa health protocols. 

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque kung saan sinuportahan nito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na unang arestuhin ang mga barangay captains sa oras na mayroong naiulat na mass gatherings sa mga lugar sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon dahil sa deriliction of duty. 

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng mga serye ng super spreader events sa Quezon City gaya ng pagsswimming ng mga residente at pakikiisa sa inuman at videoke session na nagresulta sa pagpopositibo sa COVID-19 ng mga dumalo.

Sinabi ni Roque na isasagawa ang warrantless arrest sa mga barangay captain kung naroon sila mismo sa nasabing event at walang ginawa para pigilan ito.

At kapag wala naman ang kapitan sa event, susundin ang normal na proseso na pagsasampa ng kaso sa prosecutor’s office. 

Dito ay bibigyan ng tsansa ang barangay captain na magpaliwanag at kung mayroong probable cause ay ihahain na ang kaso sa korte at pagkatapos ay pwede nang mag-isyu ang korte ng warrant of arrest. 

Dagdag ni Roque na pananagutin din ang mga bisita at mga may-ari ng venue ng mass gathering dahil lumabag sila sa health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published.