Warriors balik NBA Finals matapos ang tatlong taon

Matapos ang tatlong-taon muling babalik ang Golden State Warriors sa NBA Finals.

Tinapos ng Warriors sa Game 5 ang western conference finals series nito laban sa Dallas Mavericks, 4-1.

Bumida si Klay Thompson sa laro na may 32 points para igiya ang GSW sa 120-110 win.

Bagamat sinubukan ng Mavs na makahabol matapos tambakan ng 19 puntos laging may sagot ang Golden State upang hindi ito makalapit.

Nagtala naman ng 28 points si Luka Doncic para sa Dallas.

Ito na ang ika-anim na final appearance ng Warriors sa loob lamang ng walong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *