Water bill ng isang paaralan sa Japan, umabot ng milyon dahil sa pinabayaang bukas na gripo ng isang guro

Japan— Umabot ng mahigit isang milyong piso ang bill sa tubig ng isang paaralan sa Yokusuka, Kanagawa Prefecture sa bansang Japan, dahil sa pinabayaang bukas na gripo.

Ayon sa ulat ng local media, ang isang guro ng nasabing eskwelahan ang itinuturong salarin, makaraang hayaan nitong nakabukas ang gripo na nag su-suplay ng tubig sa swimming pool.

Naniniwala kase umano ang guro na ang pagpapanatili ng ‘fresh and flowing water’ sa pool ng paaralan ay makakatulong upang makaiwas sa COVID-19 at hindi pamugaran ng virus ang swimming pool.

Dahil dito, nakabukas at patuloy lang sa paglagaslas ang tubig sa gripo mula buwan ng Hunyo hanggang Setyembre nitong 2021.

Dahil sa insidente, tinatayang aabot sa 4,000 tonnes ng tubig ang nasayang habang umabot naman sa 3.5 million Yen o katumbas ng P1.4 million ang halaga ng water bill na pinababayaran sa paaralan.

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng paaralan sa buong komunidad ng Yokusuka dahil sa ‘financial damage’ na idinulot ng insidente habang pinagbabayad naman ang guro ng kalahati ng nasabing water bill.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *