Water filtration units, nakatakdang ideploy sa evacuation centers sa Albay – OCD Bicol

LEGAZPI CITY – Inaasahang darating ngayong linggo ang water filtration units sa lalawigan ng Albay na mula sa pamahalaang nasyunal.

Ito ang inihayag ni Office of the Civil Defense (OCD) Bicol Regional Spokesperson Gremil Naz sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Naz, hihingi ng tulong sa national government na mabigyan ng water filtration units ang mga evacuation centers para sa mga residente.

Aniya, kailangang tiyakin na ang mga ginagamit na tubig at inumin ay ligtas sa mga lumikas.

Sa oras umano na hindi malinis ang ginagamit na tubig sa evacuation center ay maaaring silang magkasakit at magiging problema pa ito ng ahensya kung kaya’t kailangan itong bigyan ng atensyon.

Tiniyak ng opisyal na kapag mayroon nang makuhang water filtration units ay agad nila itong ide-deploy sa mga LGU upang sila na rin ang mag-identify kung saan pasilidad ilalagay ang water filtration.

Samantala, namahagi si OCD Assistant Secretary Raffy Alejandro IV ng nasa 3,200 sako ng bigas sa lalawigan upang magkaroon ng karagdagang buffer stock ng pagkain ang mga evacuees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *