Water level sa Naga City binantayan kasunod ng matagal na pag-ulan

NAGA CITY – Mahina lamang pero matagal na pag-ulan ang naranasan sa Naga City kahapon at sa buong magdamag, dahilan para i-monitor ng City Environment and Natural Resources Office ang water level sa Naga River.

Pati rin mga bagong drainage canal at iba pang floor control projects ng lungsod ay binantayan din ng team ni Engr. Alexander Caning, head ng CENRO.

Ilang mga barangay ng lungsod ang nasa tabi ng Naga River at karamihan sa ito ay nasa low lying areas tulad ng Barangay Sabang, Tabuco, Mabolo.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang sa ganitong sistema ng pag-uulan hindi pa naman ito magdadala ng pag-apaw ng tubig sa ilog , subalit  kailangan nilang magbantay din dahil sa mga basura sa ilog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *