water purifiers, dala ng contingent team ng MMDA patungong Davao

Lumipad na ang 30-man contingent ng MMDA para magpadala ng tulong sa mga apektado ng baha sa Davao Region.

Pinangunahan ni MMDA Assistant General Manager for Operations Asec. David Angelo Vargas ang send-off ceremony ng grupo.

Ang pagpapadala ng humanitarian team ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para makapaghatid ng karagdagang tulong sa mga binaha sa lugar.

Bitbit ng grupo ang animnapung unit ng solar-powered water purifiers ang nakatakdang ideploy sa lugar para magbigay ng malinis na tubig sa mga nasalantang residente.

Tinatayang nasa 180 galon ng tubig kada oras ang kayang i-filter ng isang unit.

Ang naturang contingent team na idedeploy sa lugar ay binubuo ng mga tauhan ng Public Safety Division, Road Emergency Group, at Flood Control and Sewerage Management Office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *