Water source ng MNWD nababantayan ng mga Mt. Isarog Guardians

NAGA CITY – Napapangalagaan ang water source o ang pinagkukunan ng tubig-inumin ng Metropolitan Naga Water District na nasa paanan ng Mt. Isarog laban sa mga nagbabalak mag illegal logging sa lugar o ano pa mang illegal activities na makakaapekto sa supply ng tubig.

Ang mga taga bantay sa lugar ay ang mga personahe ng Mt.Isarog Guardian na mga empleyado naman ng LGU-Naga, batay sa naging pahayag ni MNWD General Manager Florencio Tam Mongoso Jr.bilang pagtitiyak na walang makakagalaw sa naturang lugar.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mongoso, inamin niyang maaapektuhan ang supply ng tubig dahil sa inaasahan na el nino sa darating na mga buwan kaya abala na sila sa paghahanda mula pa noong nakaraang taon 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *