Water training ng PCG suspendido muna matapos mamatay ang 2 apprentice

Dalawang apprentice seaman ng Philippine Coast Guard ang nalunod at nasawi sa Water Search Rescue Training nito.

Kabilang sa nasawi si Nori Caguay na nauna ng napabalitang kritikal ang lagay sa ospital matapos na malunod sa isang WASAR tranining.

Maliban kay Caguay may isa na ring naunang namatay mula naman sa Pampanga dahil rin sa isang water training.

Dahil dito suspendido na ang lahat ng water training ng PCG matapos masawi ng dalawang apprentice.

Pansamantala munang ni-relieve sa pwesto ang mga training personnel sa dalawang coast guard districts kung saan nangyari ang pagkamatay.

Kumpiyansa naman ang pamilya ni Cagauy na initiation ang nangyaring insidente.

Nauna ng itinanggi ng PCG na walang nangyayaring hazing sa WASAR training o kahit anong water training dahil nakadepende sa instructor kung kailangan ituloy o dagdagan pa ang training.

Ang water WASAR training ng coast guard ay isang pagsasanay upang makasagip sila ng tao tuwing may baha o kung may lumubog na barko.

Matinding training ito na sinusukat hindi lamang ang lakas ng katawan kundi talas ng pag-iisip sa high stress situation gaya ng emergency at kalamidad.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *