Watershed Management Training, ginawa sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Isinagawa ang dalawang araw na Watershed Management Training ng National Irrigation Administration (NIA) Bicol upang mabigyan ng kaalaman ang bawat LGU kung paano mapapanatili ang kaayusan ng mga irigasyon sa kanilang bayan.

Pangunahing papel ng NIA ang pagtiyak na may maayos na watershed o irigasyon ang bawat lugar upang magkaroon ng magandang resulta sa pananim at sa supply ng tubig.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Niks Baraero, Public Relations Officer ng NIA Bicol, isa sa mga mabisang hakbang na kanilang ginagawa ay ang tree planting lalo na’t ang pagpuputol ng kahoy ang nakikita nilang pangunahing problema ng mga watershed sa bayan ng Cabusao, Libmanan at sa Rinconada Area.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *