Website ng Kamara, ‘offline’ muli matapos ang panibagong “suspicious activity”

Naka-offline muli ang opisyal na website ng House of Representatives.

Ito ang kinumpirma mismo ni House Secretary Reginald Velasco sa inilabas nitong pahayag.

Ayon kay Velasco, sa kabila ng pagpapaigting ng seguridad sa nasabing website ay may muli na namang na-detect na suspicious at unusual activity na kailangang suriin.

Paliwanag ng House Secretary, ang aksyon ng Kamara ay isang precautionary measure upang pairalin ang cybersecurity measures at tiyakin na maiwasan ang pag-atake sa official website ng Kamara.

Sa huli, sinabi ni Velasco na prayoridad ng House of Representatives ang kaligtasan, integridad, at maasahan ang kanilang digital platform.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *