Website ng PCG – ligtas sa pag-atake ng Chinese hackers

Tiniyak ni Rear Admiral Philippine Coast Guard RADM Armand Balilo na ligtas mula sa pangha-hack ang website ng ahensya.

Ito ay kasunod ng mga ulat na ang online platform ng PCG ay kasama sa mga government agencies na tinangkang mapasok upang ma-hack.

Ayon kay Balilo, noon pa man ay wala silang namo-monitor na kakaiba sa kanilang website.

Binigyang-diin ng opisyal na nananatiling secured ang online pages ng ahensya.

Sa huli, siniguro ng tagapagsalita na iingatan nila ang website ng coast guard para hindi ito basta-basta maha-hack ng mga hackers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *