WESCOM Commander Carlos – nasugatan din sa water canon bombing sa WPS

Kabilang si Armed Forces of the Philippines – Western Command (WESCOM) commander Vice Admiral Albert Carlos sa mga nasaktan matapos ang pambobomba ng water cannon ng China sa resupply mission sa West Philippine Sea.

Sa pulong balitaan – sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na mismong si VAdm. Carlos ay sakay ng mga chartered boats ng AFP.

Sa hiwalay na panayam, sinaib ni Carlos na nagtamo siya ng minor cuts sa kaniyang kamay matapos mabasag ang wind shield ng Unaizah May 4.

Sa kabila nito, ‘di na raw niya ibinilang ang kaniyang sarili sa apat na nasugatan dahil mas malala ang kanilang injuries.

Samantala, kinontrang muli ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita C. Daza ang umano’y idiniriin ng China na mayroong agreement ang Pilipinas na abandanuhin ang Ayungin Shoal.

Sabi pa ni National Task Force on the West Philippine Sea spokesperson Jonathan Malaya – para na raw silang plaka na paulit-ulti ang China rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *