Wheel clamping sa Legazpi City, suspendido hanggang Disyembre 31

LEGAZPI CITY – Daloy ng trapiko na muna ang tututukan ng Legazpi City Task Force Kalinisan at Kaayusan kasama ang Public Safety Office (PSO) ngayong paplapit ang Bagong Taon.

Ayon kay Task Force head Mark Andy Marbella, bago pa man kasi ang Kapaskuhan, inasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko gawa ng dagsa ng mga tao sa iba’t ibang mga pamilihan o dahil sa Christmas rush.

Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Legazpi sinabi niya na gayundin ang inaasahan ngayong ilang araw na lamang ang natitira bago mag-Bagong Taon, kaya’t sinuspinde na rin ang implementasyon ng Wheel Clamping Ordinance o ang paglalagay ng tyre lock o wheel clamp sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga kalsada sa lungsod.

Ani Marbella, ito ang nakikita nilang magandang solusyon upang maiwasan ang trapiko lalo na sa panahong ito.

Dalawang lanes lang umano kasi ang karamihan sa mga kalsada sa lungsod, subalit nagiging apat na lanes dahil sa mga nagi-illegal parking.

Nilinaw naman ni Marbella, pansamantala lamang ito at tatagal hanggang Disyembre 31.

Pagsapit naman ng Enero 1 hanggang sa mga susunod, epektibo na umanong muli ang nasambing ordinansa.

Samantala, ibinahagi rin ni Marbella, naging positibo ang epekto ng wheel clamping sapagkat dumami rin ang mga nadidisiplina sa lungsod at kumokonti ang mga nagi-illegal parking.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *