White House, umaasang huhupa ang tensyon matapos ang Taiwan visit ni Pelosi

Umaasa ang White House na hindi na lalala pa ang tensyion sa pagitan ng Washington at ng Beijing matapos ang nagpapatuloy na Asian trip ni US House Speaker Nancy Pelosi kung saan ay kabilang ang Taiwan.

Sa pulong balitaan, sinabi ni White House National Security spokesperson John Kirby na mayroon naman talagang karapatan si Pelosi at ang delegasyhon nito na bumisita sa Taiwan.

Wala rin aniya itong nilalabag sa soberanya ng China pati na rin ang pinaiiril nitong ‘one-China’ principle.

Umaasa ang White House na hindi na ito lalala pa bilang isang krisis lalo na’t wala raw silang nakikitang dahilan para palalimin pa ang isyu.

Samantala, tuloy pa rin ang pagtutol ng China hinggil sa hakbang ng US congressional delegation.

Sa katunayan, pinatawag ni Chinese Vice Foreign Minister Xie Feng si US ambassador to Bejing na si Nicholas Burns.

Sa pulong, binalaan nila ang Washington na kaagad na baliktarin ang mga posibleng epekto ng pagbisita ni Pelosi sa Taiwan lalo na’t seryoso ang mga consequences nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.