White Lady prank ng mga kabataan, ikinabahala ng mga motorista

Imbis na ikatuwa, ikinabahala pa ng ilang motorista ginawang prank ng mga kabataan.

Nagpapanggap kasi ang isa na “white lady” sa isang madilim na kalsada sa Bogo City, Cebu.

Sa daan pa lamang, nakita na ng mga taga-barangay ang kandilang nakasindi sa gilid ng daan.

Nang maabutan nila ang grupo, napasugod ang mga tanod sa lugar.

Muntik na kasing madisgrasya ang ilang motorista, dahil sa takot at gulat.

Depensa ng mga kabataan, , naisipan nilang gawin ang horror prank matapos kumalat ang usap-usapan na may nakitang “ungo-ungo” o multo sa lugar.

Sa huli, ipinatawag ang kanilang mga magulang at pinag-public apology.

Bilang parte ng parusa, magko-community service ang grupo para sa kanilang prank, kung saan mamumulot sila ng basura sa lugar na nahuli silang nagpa-prank.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *