WHO: Community transmission ng UK, India COVID-19 variants, nakita sa NCR Plus

Kinumpirma ng top official ng World Health Organization na mayroon nang community transmission ng UK at South Africa variants ng COVID-19 virus sa National Capital Region Plus bubble.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasingh, WHO representative sa Pilipinas, may rason para paniwalaan na ang community transmission ng dalawang variants of concern sa NCR Plus ay batay sa ebidensya at bilang ng mga kaso.

Dagdag ni Abeyasinghe, ang hindi ma-trace na linkages sa mga kaso, ay posibleng dahil sa kahinaan ng contact tracing.

Pagbabahagi ng opisyal, may community transmission rin ng UK variant sa Cordillera Autonomous Region.

Samantala, hindi naman masabi ni Abeyasinghe kung ang naturang mga variants ay dominant variants na ngayon sa naturang mga lugar. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *