WHO ilalabas ang assessment sa 2 Chinese vaccines

Inihayag ng World Health Organization na mailalabas na nito sa susunod na linggo ang assessment para sa emergency use listing ng dalawang Chinese vaccines para sa COVID-19 at maging ng Moderna

Sinabi ni WHO Assistant Director-General Mariangela Simao na ina-assess ng independent panel ang Moderna vaccine at ang Sinovac at Sinopharm ng China.

Ayon kay Simao, mahalaga na magkaroon ng maraming bakuna na available para mapunan ang kakulangan ng bakuna mula sa ibang manufacturer tulad ng India na main source ng COVAX dahil sa restriction sa exports at domestic cases doon.

Sakaling maaprubahan, ang mga bakuna ng China, ito ang unang bakuna na na-developed at naprubahan na non-Western country na makakuha ng suporta ng WHO.

Ang WHO emergency use listing ay isang senyal sa national regulators na ligtas at mabisa ang bakuna na bibilhin at distributed ng COVAX. (LEO – NAVARRO MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *