WHO: Polio outbreak sa PH, tapos na

Ideneklara na ng World Health Organization na tapos na ang polio sa Pilipinas, matapos ang halos dalawang taon na muling pag-emerge ng naturang sakit sa bansa.

Sa isang joint statement, kinumpirma ng WHO at UNICEF na natapos na ang outbreak response noong June 3 — kasabay ng pagpuri sa effort ng gobyerno ng Pilipinas para ma-contain ang naturang infectious disease.

Ayon sa dalawang international organizations, ang desisyon ay matapos na hindi na nadetect ang virus sa isang bata at sa environment sa nakalipas na 16 na buwan, dahil sa komprehensibong outbreak response actions kabilang na ang pinalakas na immunization at surveillance activities sa mga apektadong lugar sa bansa.

Matatandaan na bumalik ang polio sa Pilipinas noong September 2019 nang kumpirmahin ng Department of Health ng single reported case— 19 na taon matapos na ma-clear ang naturang sakit. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *