51, patay sa Chile wildfire

Patay ang mahigit 51 katao dahil sa wildfire, at nagiwan rin ng pinsala sa mga kabahayan.

Dahil dito, inatasan na ng President Gabriel Boric ang paglagay sa Chile sa state of emergency sa gitna at timog na bahagi ng bansa dahil sa naturang sakuna.

Kasunod rin nito ang paglikas ng mga residente sa ungsod ng Vina del Mar ng Valparaiso tourist region matapos makaranas ng makapal na abong usok.

Saad ni President Boric,  tataas pa ang bilang ng mga biktima sa mga susunod na linggo, ngunit nangangako na susuportahan ng gobyerno at tutuungan ang mga tao na makabangon muli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *