Winning streak ng Mapua sa NCAA, pinutol ng Benilde

Nanlamig ang pinakamainit na koponan ngayon sa NCAA Men’s Basketball na Mapua Cardinals matapos putulin ng College of Benilde Blazers ang kanilang winning streak.

Nagtapos ang laban sa iskor na 65-61 sa pangunguna ni Miguel Corteza na nagtala ng 17 points at 9 na rebounds.

Sa kabila naman ng pagkatalo, nangunguna pa rin ang Mapua sa team standings na may 8 wins at 2 losses.

Samantala, patuloy naman ang paglubog ng defending champion Letran Knights.

Itinumba ng Perpetrual Altas ang Letran sa iskor na 73-61.

Sa ngayon, nangungulelat ang Letran Knights sa team standings na may isang panalo pa lamang at siyam na talo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *