Workers na makokompleto ang COVID vaccination, may incentives – DOLE

Magbibigay ng insentibo ang Department of Labor and Employment sa economic frontline workers na makakakompleto sa pagpapabakuna laban sa coronavirus.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, pag-naka dalawang doses na ang isang manggagawa ay makakatanggap ito ng bisikleta na may kasamang cellphone.

Hindi lang din basta-basta cellphone, dahil ito ay may kasamang P5,000 na halaga ng load.

Ang incentive program ay ilulunsad sa July 1, 2021, kung saan ang nais na maka-avail ng naturang benepisyo ay maaring makipag-ugnayan sa DOLE-Bureau of Workers with Special Concerns sa pamamagitan ng kanilang online pages.

Sinabi ni Bello na naglaan ang kanilang ahensya ng 1,000 bicycles para sa mga nagta-trabaho sa Metro Manila at isa pang 1,000 para sa frontline personnel sa ibang mga rehiyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *