Working conditions ng mga delivery riders, gig workers, pinaiimbestigahan

Inihain na ng isang mambabatas ang resolusyon na nananawagan para sa imbestigasyon kaugnay sa labor conditions ng mga manggagawa sa gig economy, na kinabibilangan ng mga delivery riders at freelancers.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, naghain na siya ng Proposed Senate Resolution No. 732 na naglalayung tingnan ang employment benefits at iba pang uri ng social protection para sa naturang mga laborers.

Kaugnay nito, umaasa rin si Hontiveros na matutugunan ang mga ulat ng hindi patas na working conditions sa kanila.

Sa ilalim ng resolusyon, ang “gig economy” ay inilalarawan bilang “new technology-enabled forms of work” na kadalasa’y pansamantala at flexible na ginagamit ng mga kompaniya na umaasa sa mga independent contractors at freelancers.

Dagdag ng senadora, dahil sa kawalan ng batas na nagre-regulate at nagpapaliwanag sa karapatan ng gig economy workers, ay nagiging exposed umano ang mga ito sa pang-aabuso at exploitation. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *