World bank magpapautang ng $400-M sa Pilipinas

Kinumpirma ng World Bank na magpapahiram ito sa Pilipinas ng $400 milyon para ituloy ang “policy reforms”” para sa pagbangon mula sa problemang dulot ng health at socioeconomic dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ipinakitang mga dokumento ang paparating na development policy loan (DPL) ay isang anyo ng suporta sa badyet na tinustusan ng World Bank para sa agenda ng reporma ng mga borrowers.

Nakatakda itong aprubahan ng Washington-led lender para sa fiskal year 2023, na nakatakdang magsimula sa kalagitnaan ngayong taon.

Ang naturang utang ay dagdag sa 11 pang loans na paparating at nagkakahalaga ng $1.93 billion.

Kasama sa iba pang mga pautang ang $250-million Mindanao transport connectivity improvement project; $200-milyong second financial sector reform development policy, $200-million fisheries at coastal resiliency project; $178.1-million multisectoral nutrition project; at $150-million sustainable, inclusive at resilient tourism project.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *