‘Worst is over’: Govt makakatutok na sa post-pandemic recovery

Isinusulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang ‘whole-of-government’ at ‘whole-of-society’ approach para sa post-pandemic recovery ng Pilipinas.

Sa kaniyang talumpati sa reception at pulong niya kasama ang mga opisyal ng Asian Development Bank (ADB) – sinabi ng pangulo na ang pagli-lift ng global public emergency ng World Health Organization (WHO) ay isa lamang daw indikasyon na ‘the worst is over’ na para sa global pandemic situation.

Aniya, gagamitin daw nila itong pagkakataon para makapag-focus na ang administrasyon sa iba pang mga prayoridad lalo na ang development ng ating ekonomiya.

Makakamit daw ito sa mahigpit na pagtutulungan ng buong gobyerno, mas maraming mga public-private partnerships, international collaborations, at pati na rin ang pakikipag-partner sa ADB.

Maliban pa rito, idiniin din niya ang collaboration ng Philippine Government at ADB para sa iba pang mga larangan gaya ng paglaban sa climate change, at pati na rin ang pagsuporta nito sa gagawing ‘food stamp program’ para naman sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ibinida rin ni Marcos ang mga digitalization partnerships ng ADB para sa TESDA at sa Civil Service Commission (CSC). //LGD, edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *