International

Xi, nakatakadang bumisita sa Saudi Arabia

Nakatakdang bumisita sa Saudi Arabia si Chinese President Xi Jinping sa  huling bahagi ng linggong ito para sa isang state visit sa gitna ng mataas na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at ng dalawang bansa.

Ayon sa Saudi Press Agency , kabilang sa dadaluhan ni Xi sa Riyadh ang “Saudi-Chinese summit,” isang summit ng China-Arab at isang summit ng China-GCC para pag-usapan ang development cooperation ng dalawang bansa.

Kasunod ng anunsyo, inilathala ng SPA ang isang “historical account” ng Saudi-Chinese relations na binabanggit  ang malapit na ugnayan ng dalawang estado sa loob ng walong dekada.

Ang mga balita patungkol sa Chinese presidential visit sa pinakamalaking kaalyado ng US sa Gitnang Silangan ay ilang buwan nang kumalat ngunit walang naging anunsyo ang Beijing tungkol sa biyahe ni Xi.

Nang tanungin tungkol dito sa isang regular Foreign Ministry briefing , sinabi ng tagapagsalita na si Mao Ning na walang siyang anumang impormasyong ibabahagi sa media.//CA

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

7 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

7 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

7 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

7 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

7 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

7 hours ago