Yakap Bayan  Program ng DSWD magsisimula na sa Naga City

NAGA CITY –Aarangkada na sa 27 barangay ng Naga City ang Yakap Bayan Program ng Department of Social Welfare and Development na kung saan sesentro sa Recovering Persons Who Used Drugs (PWUDS) o nasa After Care Program na ang layunin ay huwag ng ma-relapse ang mga dati ng gumamit ng illegal drugs.

Sa darating na Martes, ika-5 ng Marso ay makikipag-ugnayan ang grupo nina Annabel Vargas, head ng Social Welfare and Development Office sa mga personaheng nasa Barangay Anti Drug Abuse Council o BADAC kabilang na ang mga barangay opisyal, barangay tanod barangay health workers at iba pang barangay personnel.

Ayon kay Vargas, sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, napakalaki ng papel ng kanilang opisina sa programang ito na pinondohan naman ng kanilang opisina at ng City Dangerous Drugs Board na mapupunta sa mga aktibidad ng bawat PWUDS tulad ng livelihood programs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *