Yale University, humingi ng tawad matapos maugnay sa usaping “slavery”

Humingi ng tawad ang Yale University matapos nitong maugnay sa usaping slavery.

Sa kanilang official statement, kinikilala nila ang makasaysayang papel ng Yale sa slavery at ang mga kontribusyon ng mga inaalipin na tao sa kasaysayan ng unibersidad.

Noong Oktubre 2020, nagsagawa ang mga miyembro ng Yale & Slavery Research Project ng pananaliksik at isinapubliko ang kanilang findings.

Napagalaman na marami sa mga founders ng unibersidad ay nagmamay-ari ng enslaved people.

Sa mga nakalipas na taon, marami ng institusyon ang pormal na humingi ng tawad para sa kanilang makasaysayang papel sa usaping slavery.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *