Yassi Pressman – ibinida ang relasyon nila ni CamSur Gov. Villafuerte sa Insta

Todo ang pag-flex ni Yassi Pressman sa kanyang boyfriend na si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.

Sa Instagram account ni Yassi, nagbahagi siya ng video sa mga beach escapades nilang dalawa na sinaliwan ng kantang ‘Ikaw Lang Patutunguhan’ ni Amiel Sol.

Caption pa ng aktres, ‘You are the Water of my life.’

Tapos maypa ‘I miss you all the time’ with matching heart-hands emoji.

Una nang sinabi ni Yassi na si Luigi ang nagpapasaya sa kanya at nagawa rin nitong bisitahin ang bayan ng kanyang boyfriend sa Camarines Sur.

Kung maaalala nitong Pebrero – Araw ng mga Puso ay isinapubliko ni Luigi na si Yassi ang kanyang love of his life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *