YouTuber inaresto matapos nitong ikabit sa flying balloons ang alagang aso

Nauso kamakailan ang money balloons kung saan ikinakabit sa flying balloon ang perang regalo para sa birthday o ano pa mang okasyon.

Pero sa India, iba naman ang nais ipauso ng isang sikat na YouTuber na si Gaurav Sharma matapos nitong ikabit sa flying balloons ang kanyang alagang asong si Dollar.

Ipinost nito sa kanyang Youtube Channel ang kuhang video sa pinalipad na aso na umani naman ng samo’t-saring reaksyon.

May mga nagalit lalo na ang mga animal welfare organizations at inireport ang vlogger sa pulisya dahilan para arestuhin ito.

Humingi naman ng dispensa si Sharma at inamin ang kanyang pagkakamali pero iginiit nito na mahal nya ang kanyang aso.

“I’m unmarried and Dollar is like my child,” ayon sa 32-anyos na vlogger.

“In my old videos on YouTube you can see, I shop for Dollar for summers, winters. I buy him treats, I take him out. I even celebrate his birthday by inviting other dogs”, dagdag pa nito.

Ligtas naman na ang aso dahil hindi naman ito nakalayo.

Mahaharap si Sharma sa kasong paglabag sa Section 188 (Disobedience to order duly promulgated by public servant) sa ilalim ng Indian Penal Code at Disaster Management Act and relevant sections ng Prevention of Cruelty to Animal Act.# || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *