Zambales Provincial Government ipinaabot na ang tulong sa PMMA

ZAMBALES-Ipinaabot na ng Pamahalaang Panlalawigan ang tulong nito para sa Philippine Merchant Maritime Academy sa San Narciso.

Ito ay matapos na magkaroon ng covid-19 localized outbreak sa pamantasan kung saan 127 na ang tinatamaan ng virus na kinabibilangan ng mag-aaral at dalawang empleyado.

Ayon sa provincial government, ipinadala na ang Rapid Antigen Test at Rt-Pcr test, vitamins at iba pa para sa mas mabilis na paggaling ng mga nagpositibo.

Kaugnay nito, tiniyak naman umano ng pamunuan ng PMMA na mas mahigpit ang mga health protocols ngayon sa loob at laging makikipag-ugnayan sa local IATF.

Nananawagan naman ang IATF sa mga komunidad na malapit sa lugar na sumunod sa protocol para hindi na madagdagan pa ang bilang mga tinatamaan ng virus.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Lazada Be Proud! You managed to deal with stress and pressure because of your positivity. Having an attitude of Positivity can help strengthen immunity and can also give inspiration to others. Keep it up! 100Ca ASCORBIC ACID GUARD-C m ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C ww.'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *