Zambales Provincial Health Office tatanggapin ang walk-ins ng mga batang edad 5-11 years para mabakunahan kontra covid-19

Tatanggapin ng Zambales Provincial Health Office ang mga batang edad 5-11 years old kahit walk-ins para magpabakuna kontra corona virus disease.

Ito ay kapag nagkaroon na ng alokasyon ng bakuna ang mga syudad, munisipyo at probinsiya para sa mga nabanggit na edad.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, kahit ngayon naman aniya may mga pumupunta sa mga vaccination sites mula sa kasalukuyang priority group na walk-in pero kanila namang tinatanggap.

Kadalasan kasi ay nagkakaroon ng online registration para sa mga nais magpabakuna pero kapag wala namang kakayanan sa paggamit ng internet ay kanila naman itong tinatanggap sa mga vaccination site.

Dagdag ni Bueno, target ng probinsiya na sa susunod na linggo ay makapagsimula na kung may darating na bakuna.

Ang mga bata na nasa nasabing edad ay possible umano sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital gagawin ang pagbabakuna.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'These are the Physical Signs of Stress Headache Not Feeling Hungry Neck and Shoulder Pain Back Pain Lump in the Throat Upset Stomach Heavy Chest Tight Muscles Power Cells Tuldukan HERBALCASE HERBAL CAPSULE ang Sakit!'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *