Zambales Provincial Veterinary nagbabahay-bahay na sa pagbabakuna kontra rabies

Ginagawa nang bahay-bahay ng Veterinary Office ng Zambales at mga munisipyo ang pagbabakuna kontra rabies sa mga alagang hayop tulad ng aso.

Ito ay para mas marami pang mahikayat na mga pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alaga.

Ayon kay Provincial Rabies Coordinator Noel Malimban, libre naman ang anti-rabies vaccine na ibinibigay.

Aminado si Malimban na may ilan talagang mga pet owners ang matigas ang ulo at ayaw pabakunahan ang alaga kaya para mas marami pa ang mahikayat ay ginagawa na itong house-to-house.

Panawagan nito sa publiko na maging responsable para maiwasan ang rabies lalo na ngayong tag-init.

Sa datos ng kanilang opisina, sa taong 2021 ay mayroong mga naitalang kaso ng rabies kung saan anim dito ay animal positive habang tatlo naman ang human positive.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 2 people and text that says 'Lazada Buy now at Did you know know? that vitamin C can be of help in reducing the risk of catching a cold or reduce the length span of cold symptoms? ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Û.aa-'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *