Zamora – handang patunayan na hindi totoo ang kurapsyon sa ayuda

Nanindigan si San Juan City Mayor Francis Zamora na hindi totoo ang alegasyon na may anumalya sa pamamahagi nila ng ayuda sa mga mahihirap na residente ng lungsod.

Ito ay kasunod ng privilege speech ni Senador JV Ejercito hinggil sa umano’y ayuda scam.

Ayon kay Zamora, nakarating sa kanyang tanggapan ang usapin at nanindigan siya na malinis ang kanyang konsensya.

Kasunod nito, hinikayat niya ang mga tao na nasa video na pumunta sa kanyang tanggapan at doon idulog ang reklamo laban sa LGU

Matatandaan sa privelege speech ni Ejercito, ipinakita nito sa senado ang dalawang video na sinasamantala ng ilang lokal na opisyal ng San Juan ang pamamahagi ng ayuda sa mga nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *