Zero hunger, target ng task force kontra gutom

Target ng panibagong nabuo na Task Force Zero Hunger na mawakasan ang kagutuman sa bansa at mapataas ang kita at produksiyon ng mga magsasakang Pilipino.

Ayon kay Cabinet Secretary. Karlo Nograles ang chairperson ng Task Force Zero Hunger, kasama sa tututukan ang pagkakaroon ng feeding program ng National Nutrition Council sa mga buntis at mga batang 2-anyos pababa na undernourished.

Aniya, nagsimula na ang pilot ng programa ng task force na tutok sa feeding program sa ilang probinsya sa bansa.

Maglulunsad din umano ang mga nasa pribadong sector ng programang kain-tayo kung saan sa halagang 25 pesos na donasyon ay makakapagbigay na ng masustansiyang pagkain sa mga bata.

Bukod sa mga feeding program ay kasama rin sa programa ng naturang task force ang pagtulong sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka upang mapataas ang kalidad ng kanilang pamumuhay at masolusyonan ang problema sa rural poverty.

Ayon pa kay Sec. Nograles, magpapatuloy din ang supplemental feeding program ng DepEd at DSWD sa kabila ng pandemya.

Katuwang ng task force ang iba’t ibang NGO, LGU, Civil society at iba pang pribadong indibidwal.

Samantala, kasabay ng pagbisita nito sa bayan ng Echague ngayong araw ay namahagi rin ang kalihim ng mga food boxes para sa mga barangay at pamilya sa lugar na higit na nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *