Zero incident target kang PCG San Jose ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR- “Eyes to the ball”,  doble ang pagiging alerto ng Philippine Coast Guard sa San Jose Camarines Sur ngayong Semana Santa upang maabot ang target na zero indicent.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PCG Sabang Substation Commander CPO Efren Abanilla. Aniya katuwang nila sa pagbabantay ang MDRRM personnel, tourist police, coast guard auxillary  at iba pang puwersa. Nakabantay hindi lamang sa mga bata kundi sa mga nasa hustong gulang na na magpupumilit lumangoy kahit na nakainum ng alak.

Sabado De Gloria nitong 2023, nauwi sa trahedya ang masaya sanang swimming ng magkakaanak sa Barangay Dolo, anim ang nasawi sa hindi naman pala konsideradong resort.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *