Zero Open Defecation Ordinance sa bayan ng Basud aprubado na ng Sangguniang Panlalawigan

CAMARINES NORTE- Aprubado na rin ng Sangguniang Panlalawigan subject sa mga existing laws ang ipinasang Zero Open Defecation Ordinance ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte matapos ang ginawang review.

Sa ilalim  ng “Zero Open Defecation” (ZOD) ordinance ipinagbabawal ang pagdumi sa open public places, pagtapon ng human wastes kasama ang diapers, napkins at tissue paper sa labas ng toilet o sa kahit saang open public o private places.

Bawal din ang pagtapon ng dumi ng tao sa waterways tulad ng ilog, sapa, drainage at canal.

Kaugnay nito ay ire-require ang bawat tahanan sa naturang bayan na magkaroon ng sanitary toilet para masiguro ang proper disposal ng dumi ng tao at upang maiwasan ang sakit na dulot ng open defecation.

Susog sa ordinansa ang lahat ng Barangay ay dapat lumikha ng ZOD Task Force na mag iinspeksyon, magmo-monitor at magmi-maintain ng master list ng lahat ng household at establishments sa kani-kanilang lugar kung saan nakalagay kung mayroon ang mga itong sanitary toilet o wala.

Kumpiyansa naman ang Department of Health na sa pamamagitan ng Philippine Approach to Total Sanitation (PhATS) na isang sanitation program strategy ay makakamtan din ang “zero” open defecation sa mga komunidad.

Mayroon pa rin kasing ilang komunidad at kabahayan na walang palikuran.

Batay sa datos ng National Economic and Development Authority o NEDA nasa  93.9 percent na mga pamilya noong 2020 ang walang maayos na palikuran.

Nasa 43 percent naman ng mga munisipyo ang nakapagtala na ng zero defecation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *